Ikaw ang siyang dahilan ng pag-pintig ng aking puso
Ang pagmamahal mo ang katibayan ng aking pagkatao
Mas lalong tumingkad ang luntian ng umaga
Mas lalong lumiwanag ang kadiliman ng gabi
Nakakapanglaw ang hindi ka kapiling
Hindi mapigilan ang mga luhang nangingilid
Dumurungaw sa bintana ng iyong pusong sabik na sabik
Hindi biro ang maghintay sa araw-araw
Kailangan laging kumilos upang hindi malumbay
Mawala ka kahit saglit lang sa aking isipan
Aking naririnig ang pintig ng iyong damdamin
Tahimik, ngunit rinig hanggang langit
Masaya ka, ngunit laging may pangamba
Na baka isang araw ako'y umibig sa iba
Hindi ko hawak ang hinaharap
Ngunit tulad ng sinabi ko sa'yo
'Ang pag-ibig parang halaman, dapat laging dinidiligan.
Ikaw ang tubig at sinag ng araw ng pag-ibig ko.
Paano ako magmamahal ng iba kung ganyan ang pinapakita mo?'

awwwwwwwwwww... ♥
ReplyDelete:-)
Delete