Wednesday, August 1

O Inang Pilipinas!


Nagmula sa iyo ang ang aking buhay
Nagmula sa iyo ang aking hininga
Nagmula sa iyo ang aking pag-ibig
na siyang bumubuhay sa aking mga panaginip


Pag-ibig na dalisay, ramdamin mo mula sa hangin!


Ano nga ba't kita'y minamahal?
Sinisinta, iniirog, pinagmamasdan?


Wala nang iba, tanging ikaw lamang
O pinakamamahal kong Inang Bayan


Sugat sa puso kong nakikita kang nagdurusa
Kirot sa dibdib ang marinig kang humiyaw
Sinisigaw ko sa hangin ang mga dalangin para sa iyong kalayaan

Tanging sa iyo mula ngayon hanggang bukas
Hanggang sa kabilang buhay

Mabuhay ka, O Inang Pilipinas!

2 comments:

  1. kaw na makata! hihihi... pang linggo ng wika tlga .. namiss ko tuloy yung nag babalagtasan kami dati

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha missing school days lang siguro..thanks Prince! :-P

      Delete

What do you ponder about?