Saturday, July 28

Mahal Mo Ako


Hindi ko mawari kung ano ang mararamdam
Ligaya o pangamba

Ligaya sa tuwing makakausap ka
Puso’y tila nananabik sa haplos ng iyong pag-ibig
Sa yakap ng iyong mga palaisipang halik
Sa tingin ng iyong mga matang ako lamang ang sambit

Ligaya ang pakinggang awitan mo ako
Harana ang mga matatamis na salitang nanggagaling sa iyong puso
Kaibigan, nandirito lamang ako

Ngunit sa kabila ng saya namumuo ang aking pangamba
Pangamba na baka isang araw ako’y muling iwan
Lisanin sa gitna ng mga luha,
Mamaalam sa gitna ng aking pag-aalinlangan

Sinsinta kita at iya’y totoo
Pag-ibig sa iyo’y di magbabago
Hindi ko hinihiling ang iyong pangako
Tanging ang mga katagang, mahal mo ako



12 comments:

  1. Ah... Nice Attack!!!

    ReplyDelete
  2. Aaaah,a Bullet in my Heart... Bang!!! Galing naman Ms. Paula :)

    ReplyDelete
  3. Replies
    1. Mahal rin kita! :-)


      Salamat sa palagiang pagbisita sa aking weybsayt...

      Delete
  4. Opo tagahanga mo po ako sa iyong pagsulat na mula sa puso mo para kzng di ka busy pero nagagawa mo, sana makita ko ang mundo mo... *

    ReplyDelete
    Replies
    1. Dear Anonymous, just stay with me, inside, and you will see my world. You're always welcome. You are the ONLY one....

      Delete

Please leave your comments! ^_^. I'd love to hear from you! :-)