Nakasilip sa kawalan
Nakaakbay sa kalangitan
Ilang beses na nga bang
Ako'y iyong inawitan
Pandaliang panunuyo
Walang hanggang pagsubok
Sa pag-ibig mong nasa ilalim
Lamang ng mga bundok
Halika sa aking tabi
Ibig ramdamin ang iyong pisngi
Ang dampi ng iyong mga halik
Ang siyang nais kong palagi
Tara na at humayo sa kaparangan
Ng ating munting paraiso
Paraisong siyang tayo lamang ang makakatanto
Pakinggan mo mang pilit ang bakas ng aking mga yabag
Hindi kailanman matatagpuan kung hindi mo pagtutuunan
Ng pansin ang pusong tila pinagkaitan
Humimbing na, ipikit na ang iyong pagod na mga mata
Sa pagsilay ng bukang-liwayway
Umasa kang ako ay nandirito lamang
Nakaakbay sa kalangitan
Ilang beses na nga bang
Ako'y iyong inawitan
Pandaliang panunuyo
Walang hanggang pagsubok
Sa pag-ibig mong nasa ilalim
Lamang ng mga bundok
Halika sa aking tabi
Ibig ramdamin ang iyong pisngi
Ang dampi ng iyong mga halik
Ang siyang nais kong palagi
Tara na at humayo sa kaparangan
Ng ating munting paraiso
Paraisong siyang tayo lamang ang makakatanto
Pakinggan mo mang pilit ang bakas ng aking mga yabag
Hindi kailanman matatagpuan kung hindi mo pagtutuunan
Ng pansin ang pusong tila pinagkaitan
Humimbing na, ipikit na ang iyong pagod na mga mata
Sa pagsilay ng bukang-liwayway
Umasa kang ako ay nandirito lamang
abangan ang kabanatang buhay sa palaisipan
ReplyDeletemuni-muni sa dapit na lugar
kabanata'y nag sisimula pa lamang
Nice....work more on it :-)
DeleteTuod man ang mga panganod gi-ubanan,
ReplyDeleteSa mga pangandoy ug pangindahay sa katawhan,
Nindot nga talan-awon sa managhigugma-ay,
Nga nag gakos ug sa kaharuhay nangindahay...
I'll ask the help of my Language Expert friends....:-)
DeleteBut I bet this is a meaningful, touching phrase...<3
wow, this is great. ang lalim ng tagalog mo ma'am :)
ReplyDeleteThanks Renevic! :-)
DeleteNahahati ang meaning nito... :(
ReplyDeleteEi wag ka na sad ha! :-)
Delete