Naghihintay siya sa liwasan.
Nakaupo sa marungis na upuan sa kabila ng katirikan ng araw.
Tiniis ang alikabok na nanggagaling sa maruming kapaligiran.
Ang takdang oras ay lumipas na.
Tanda nito ang pagbilis ng
pagpintig ng pusong noong una nama'y ‘lub-dub, lub-dub’ lamang ang
pananalitang nalalaman.
